29 August 2024 – City of Makati. Ang Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas – NCR PSO III sa pangunguna ni (Supervising Statistical Specialist) Officer-in-Charge Ginoong Narciso H. Dino, ay nagsagawa ng isang palatuntunan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”
Inumpisahan ang programa ng isang makabuluhang dokumentaryong pagtatanghal ukol sa Edukasyon ng Kabataang Katutubo. Sinundan ng iba’t-ibang patimpalak gaya ng Arte Mo, Sagot Ko, at Paligsahan sa Pag-Awit ng Original Pilipino Music. Tampok din sa programa ang pagpili para sa natatanging Lakan at Lakambini. Hindi magkamayaw ang mga manonood habang ang bawat kalahok ay nagpakitang-gilas sa pagrampa sa entablado.
Sa huli, ang lahat ng kalahok ay nabigyan ng parangal bilang pagkilala sa kanilang buong pagmamalaking ipinamalas na kahusayan.
Bilang pangwakas, nagpa-abot ng taos pusong pasasalamat si Senior Statistical Specialist, Ginoong Joel C. Pertez, sa lahat ng kawani na patuloy na nagkakaisa para sa isinagawang malikhain at makasaysayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Maligayang Buwan ng Wika!
- PSA NCR PSO III